Posted on

Isang Paglabag sa Konstitusyon ang Pagdalo ni Binay sa Senado – ayon sa Affidavit

welcome By: Elena Grace Flores
Ayon sa file report ng GMA na ibinalita ni Jessica Soho noong Nov. 17, 2014 naisumiti na ng Pangalawang Pangulo Jejomar Binay ang kanyang mga sagot ukol sa alegasyon ng Makati City Hall Building II overpricing sa 8-pahinang Affidavit noon pang Nov. 10, 2014. Diretsang pinahayag din ni Binay na bagamat gustuhin man niyang dumalo sa paglilitis, hindi niya kayang pahintulutan na malabag ang batas ng ating konstitusyon. Dinidiin din ni Binay na ang senado ay makapaglilitis lang kung ang kaso ay para sa isang impeachment at hindi trabaho ng lehislatura na imbestigahan ang mga katiwalian ng mga opisyales ng gobyerno.

Nilinaw din ni Binay sa Affidavit na hindi ilegal ang pagpaggawa ng Makati City Hall building II dahil:
1. ito ay may bidding, natupad ang minimum at maximum na panahong para sa proyekto at dumaan sa tamang proseso ng procurement.


2. wala ring natanggap na memo o kahit notice man lang galing sa Commission on Audit (COA) na sumobra ito sa allowance na binibigay sa buong ilang taon na ito’y ginagawa.

Panoorin ang video ukol sa mga sagot ni V.P. Binay:

Malinaw na sa unang kabanata pa lang ng alegasyon ay inabisuhan na ng Pangalawang Pangulo ang senado na hindi niya lalabagin ang konstitusyon sa pamamagitan ng pagsipot niya sa paglilitis. Kaya ang nakakapagtaka ay kung bakit nagrereklamo ang mga senador na hindi ito sumisipot sa bawat sesyon ng senado ukol dito – gayong alam na nila sa simula pa lamang na hindi lalabagin ni Binay ang batas?

Other Higlights: Transcription Links for Binay Senate Probe: July 7, 2015:

Part 1: Senate Probe Media Favors Binay Anew – July 7, 2015

Part 2: Trillanes’s Accusations are Opposite from the Witnesses’ – Part 2 July 15, 2015 Binay Senate Probe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *