Posted on

Stop Binay Walk Ngayon: Shooting ba o Nilangaw lang?





welcome By: Elena Grace Flores
Sa di inaasahang pangyayari, nagulat ang karamihan sa mga residente ng Makati sa naiulat ng 24 Oras ng GMA News na may naganap na “Stop Binay Walk” ngayon. Sa aming mga nakakausap tila kibit-balikat lang sila habang patuloy na ginagampanan ang mga gawain nila sa araw na ito. May nagaganap ba talagang ganitong pangyayari o isa lang itong “shooting” para may maiulat sa media? Kung totoo mang naganap talaga ito, paniguradong ito’y nilangaw – kaya hindi namalayan ng karamihan sa Makati.




Ayon sa ulat, ito ay pinamunuan ng iilang kilalang personalidad sa unang panahon. Si Leah Navarro na siyang kumanta ng “Isang Mundo, Isang Awit” at si Jim Paredes naman ay miyembro ng Apo Hiking Society. Kapwa sila loyalista ni Noynoy Aquino at sa People Power noong 1986.




Pagmamalaki pa ni Leah Navarro, siya’y isang taga-Makati at hinahamon niya ang Pangalawang Pangulong Jejomar Binay na magpakalalaki ito at harapin ang mga akusasyon laban sa kanya. Tila hindi yata alam ni Ginang Leah na sinagot na ni Binay ang lahat nang paratang sa kanya sa pamamagitan ng affidavit noong 2014 pa – nang siya’y unang pinatawag ng senado. Hindi rin yata niya alam na magpa-hanggang ngayon ay wala pang naisampang kaso laban kay Binay sa Ombudsman kundi isang Complaint Affidavit lang na nagbigay daan sa patuloy na imbestigasyon kung ang mga nag akusa ay makahanap ng kaukulang ebidensiya.




Image Source: Youtube

Other Important Events

Here are the links to the full transcriptions and video of July 7, 2015 Binay Senate Probe:

Part 1: Senate Probe Media Favors Binay Anew – July 7, 2015

Part 2: Trillanes’s Accusations are Opposite from the Witnesses’ – Part 2 July 15, 2015 Binay Senate Probe

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *