Posted on

Bonafide Makati Residents: We know the Binays Better than Anyone Else


welcome By: Elena Grace Flores
This is what Bonafide Makati Residents have to say to those who do not know the Binays particularly Vice President Jejomar Binay in vernacular:

ANG HINDI NAKAKAKILALA KAY VP JEJOMAR C. BINAY
Marami ang ipinatupad na mga programa at benepisyo si VP Binay sa Makati noong Mayor pa siya, at ipinagpatuloy ni Dra. Binay at ang kanyang anak na si Junjun Binay. Dito sa Makati, maraming LIBRE. HOSPITALIZATION, EDUCATION, SR. CITIZEN’S BENEFITS, & FUNERAL SERVICE. Ospital ng Makati(OSMAK), is a government hospital that was built during the time of Mayor Jojo Binay in Makati City. It is equipped, clean & fully air-conditioned. Kung ang isang Makati resident ay magkasakit, pwede siyang magpa ospital sa OSMAK na wala siyang babayaran, kahit na umabot pa sa 300K or more ang bill niya. May free meds sa mga government health centers ng Makati. Free sa pagaaral ang mga residents of Makati from pre school up to college. Equipped at magaganda ang schools sa Makati with free school uniforms, school shoes, school bags, school supplies, books at pagkain. Maganda at equipped din ang University of Makati. Mga students sa Makati Science ay may allowance from the city government of Makati at mga computers in school is one for every student. Mga teachers ay may 5K monthly allowance from the city government of Makati aside from their salary from the national government.

Mga employees sa city government of Makati ay may 13&14 month pay & cash incentives every Dec. Every summer Makati residents are free to enroll in different sports offered by the city government of Makati. Mga sr. citizens ay may allowance every June and Dec. Exempted sa color coding, Libring manood ng sine kahit anong oras at anong araw. Libring Lakbay Saya(group tour to any place within the Philippines), birthday cake every year, blue card(pag mamatay ang isang sr. citizen ay may matatanggap ang pamilya niyang maiiwan), 10K burial expenses aside from the free coffin and 5days wake. May discount sa air/sea/land fare, groceries, hardware, pharmacy & restaurants. May free foot spa, manicure at pedicure, hair, & massage. Nakakatanggap ng 100K ang isang sr. citizen pag umabot siya ng 100years old.

Read about the Php 100,000 cash gift when Makati residents turn 100 years old:When in Manila

Mga kasambahay ay tinuturuan ng city government of Makati ng vocational courses at computer. Mga residente ay tinuturuan din ng mapagkakakitaan gaya ng mga cottage industries & vocational courses. At gumagawa ang city government ng Makati ng mga sarisari stores na movable para ipamahagi sa mga residente na gustong mag tayo ng maliit na negosyo. Pag namatay ang isang Makati resident ay libre ang coffin at 5days wake. Every Dec. ay nakakatanggap ang mga makati residents ng bag of groceries na may laman na cans of corned beef, cans of century tuna-adobo, caldereta, afritada, flakes; cans of beef loaf, cans of pork and beans, can of del monte fruit cocktail & condensed milk, cans of vienna sausage, Hormel spam, del monte pasta, del monte spaghetti sauce & cheese at dalawang tshirts. Minsan may wall clock at lunch box. Noong mayor pa si VP Binay, palagi yan nag iikot sa mga barangay habang nag jogging sa umaga at nag tatanong kung ano ano ang mga problema ng bawat baranggay at kung ano ang gusto nilang ipaabot sa gobyerno. Pinupuntahan din niya ang burol ng mga namatay na residente sa Makati. Tumanda na ako at naging sr. citizen dito sa Makati. Marami nang dumaan na mga mayors dito pero wala pang naging programa at benefits kagaya ng mga ipinatupad ni VP Binay. Maraming mayayaman na cities dito sa Pilipinas pero walang magagandang programa na gaya ng Makati. Makati is an envy to all the cities and municipalities all over the Philippines.
GANITO KAMI SA MAKATI, DITO NAPUPUNTA ANG TAX NAMIN. MAYRON BANG GANITO SA LUGAR NINYO?.

Image Source:Balita

One thought on “Bonafide Makati Residents: We know the Binays Better than Anyone Else

  1. pinatutunayan ko pa yan. noong na-ospital ang mother ko ng higit 4 na beses, ang accumulated bills namin sa osmak ay umabot ng php 600,000.00 kasama ang pag gamit ng icu -pero wala kaming binayaran.malaki po ang pasasalamat ko kay vp binay dahil di ko dinanas ang hirap ng kalooban at problemang financial dahil nasagot ang pangangailangan ng mother ko sa kanyang kalagayan.

    ang mga benepisyong pang edukasyon ay napakalaking kaluwagan din po sa mga mamamayan ng makati. kung may 5 kayong anak, paano nyo kakayanin ang pag aaral kung binabayaran ang tuition fee? sa makati hindi natin problema yan. world class ang unibersidad, buildings, facilities at ang mga kurso ay kapantay na din ng mga pangunahing universities sa pilipinas.

    marami…marami pa magagawa si vp binay at ito ay pwede nya gawin sa buong pilipinas. unti unti, lahat makikinabang. magiging pantay pantay tayo sa pakinabang. tingnan natin ang positibong resulta. suporta at tiwala lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *