Posted on

Grace Poe: Ang Pagtraydor Ng Anak kay FPJ

welcome By: Hilario Andes
A DAUGHTER’S BETRAYAL
Ang Pagtraydor Ng Anak
Para sa AmeriKanang Kandidato:
Bakit po kumapit na kayo sa patalim? Bakit po kayo sumama sa isang plano, Oplan Delta Maria, na pinamumunuan ng limang taong malalapit kay noynoy aquino at ang karamihan ng mga ito ay kasama namin sa noyBI noong 2010? At ang planong ito ay may kasamang bahagi ang pandaraya upang palakasin ang iyong tsansang manalo at upang makaiwas ang ngayo’y mga desperado nang mga dilawan sa paglilitis at pagkakakulong dahil sa kanilang malawakang paglustay ng KABAN NG BAYAN at PAGTATRAYDOR SA INANG BAYAN? Bakit po ba niyakap na ninyo ang pera galing sa illegal? MAATIM MO BA NA ANG GAMIT MO SA PANGANGAMPANYA ay yaong galing sa sugal? Sa malalaking Casino sa china, hongkong at dito sa atin? Ang ibig sabihin po ba nito ay nilapastangan mo na ang imahe, ang prinsipyo at turo sayo ng iyong tatay?

Kasama po kami sa Laban ng iyong tatay noong 2004. Kasama po namin sina noo’y Mayor Jojo Binay, Sen. Honasan, Sen. Escudero at iba pa at LUMABAN KAMI NG PAREHAS. At hindi lang yan. LUMABAN KAMI PARA SA IYONG TATAY on a HIGH MORAL GROUND. Kapos noon sa campaign funds pero kahit kailan hindi tinanggap ng tatay mo ang perang galing sa sugal. Ano na po ang nangyari sa mga binibitiwan mong salita para sa Bansa, Para sa mga Pilipino, para sa Pangarap ng mga Maliit. Lumalabas po na paglilinlang ang inyong ginagawa.

MAY PANAHON PA para itakwil mo ang planong Oplan Delta Maria. May panahon pa para itanong mo sa iyong namayapang ama, ” ITAY, TAMA PO BA ANG AKING GINAGAWA ”

YOU HAVE ENTERED THE LION’S DEN. YOU FELL INTO A TRAP. YOU NOW RODE THE TIGER AND SOON YOU WILL FALL AND THE TIGER WILL EAT YOU. YOU ARE AFTER ALL NOT YOUR FATHER’S DAUGHTER.

Laundering? It’s more fun doing it here

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *