Posted on

Barangay Pulso Survey: Binay is leading at 39% contradicting SWS

welcome By: Elena Grace Flores

Are surveys credible? SWS surveys are always in contrast with physical community surveys. Why is that?

“Sa pinakabagong Project Pulso, kitang-kita ang patuloy na pamamayagpag ni Vice President Jojo Binay bilang napiling pangulo ng mas nakararaming Pilipino sa mga barangay, probinsya, at siyudad.

Taliwas sa sinasaad sa mga survey ng malalaking kompanya na kino-komisyon ng media at pribadong indibidwal, malinaw sa sampling na ito ng 138,006 respondents mula sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas na si Binay ang nangunguna.

Mula sa 13 probinsya, 18 siyudad, at 37 barangay, 39% ng mga botante ay napili na si Jojo Binay para presidente.

Malayo ito sa 21% ni Rodrigo Duterte at 11% ni Grace Poe. Katunayan, sa mga lugar katulad ng Dagupan at Urdaneta Pangasinan, Balanga Bataan, San Pedro at Calamba Laguna, DasmariƱas at Bacoor Cavite, Tanauan at San Jose Batangas, halos doble ang numero ni Binay sa kanyang pinakamalapit na kalaban. Lamang rin siya sa Cainta Rizal, at San Fernando at Angeles City Pampanga.

Sa Kamaynilaan at Quezon City ay napakalaki ng lamang ni Binay: mas malaki pa ang kabuuang botong makukuha niya sa darating na eleksyon kumpara sa pinagsama-samang boto ng kanyang mga kalaban.

Mahalagang banggitin na tumaas ang numero ng mga undecided o ayaw magsabi kung sino ang kanilang iboboto. Ngayon ay nasa 23% na ito. Malaking porsyento ito na tiyak na makakaapekto sa kalalabasang resulta ng eleksyon.

Ang Project Pulso ay patunay na sa barangay at city levels ay ibang-iba ang resulta ng mga survey para sa pagkapangulo. Nangangahulugan lang na kung anupaman ang resulta ng mga malaking survey ng malalaking kompanya na siyang laging pinaguusapan sa media, hindi ito basehan ng kalalabasan ng eleksyon.***”

Bias or not, it depends on who’s doing it!

Source: http://www.boodlenews.com/news/binay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *