Posted on

BINAY – DUTERTE – HONASAN – MARCOS JOINT FORCES AGAINST GRACE POE

welcome By: Hilario Andes
This is a call for UNITY AND DECISIVE ACTION
DALAWANG LINGGO na po ang nakakaraan ng ihayag ng BinayBrigade HQ ang OPLAN DELTA MARIA kung saan hindi na po si Maria ang suportado ng Malacanang at ipinalit na nga po ang Gracia. Ang plano pong ito ay isang maitim at desperadong pagtatangka na sirain ang ating DEMOKRASYA sa pamamagitan ng malawakang pandaraya sa darating na halalan.

Nais na po naming ipabatid sa lahat na kami po ni Mayor Digong ay palagiang nagpapalitan ng mga mahalagang kuro-kuro sa adhikaing magkaroon ng tahimik, patas at kapani-paniwalang halalan. Subalit nakita po namin na habang papalapit ang halalan lumiliit ang mga pagkakataong ang mga adhikaing ito ay makamtan.

Ang malacanang ay sadyang DESPERADO na. AT NATATAKOT NA. Alam po nila na si Maria ay hindi na mananalo sa halalang ito kahit ilang ulit nilang pinag- mamanipula ang mga surveys. Kayat kagyat silang nagsagawa ng mga kaukulang pagpaplano para suportahan ang Gracia na sa tingin nila ay may tsansang manalo upang maprotektahan sila sa mga prosekusyon at litigasyon dahil sa DAP, PDAP, at mga Pagtatraydor sa Bayan. At para masiguro ang panalo ng Gracia, ang malacanang kasama ang mga dati naming kasapi sa noyBI noong 2010 ay naglunsad nga ng OPLAN DELTA MARIA na ang ibig sabihin ay Change Mar. ANG OPLAN DELTA MARIA AY MAYROONG NAPAKALAKING BUDGET GALING SA PERA NG MAMAMAYAN AT HINDI NATIN ITO PAPAYAGAN. At nakakalungkot isipin na yaong mga dating kasama namin sa LABAN PARA SA BAYAN ay siya ng NAGTRATRAYDOR SA BAYAN.

Matatandaang simula Agosto 2014, siniraan nilang katakot-takot ang butihing Jojo BINAY subalit alam po nating lahat na hindi sila nagtagumpay. At ngayon ang target po nila ay si Mayor Digong. At tulad ng dati ginamit nila ang isang SHOTGUN SENATOR na walang pakundangang umaatake sa mga taong gustong sirain ng malacanang – mga taong nagsisilbing balakid sa mga pansarili nilang ambisyon. AT HINDI PO NALALAYO SA PLANONG ITO ANG MGA PANINIRA LABAN KAY SENADOR BONGBONG MARCOS.

KAYAT KAMI PO AY NANAWAGAN SA LAHAT NG MGA KASAPI NG LAHAT NG BINAY – DUTERTE – MARCOS – HONASAN GROUPS AT SA LAHAT NA NAGMAMAHAL SA BAYAN NA TUMINDIG AT LABANAN ANG MAITIM NA BALAK NG OPLAN DELTA MARIA na isang nagtatagong GRACIA NG AQUINO Conspiracy.

AT MAGHANDA . . . .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *