Posted on

Walang Ghost Employee sa Makati – Baloloy Tinanggap lang ang Paid Leave


By: Elena Grace Flores

Hindi matatanggap ni Senador Trillanes and testimonya ng testigo na si Binibining Aldon na isang opisyal ng Makati City Hall na walang welcome “ghost employee” doon – ayon sa video ng Senado ukol sa kaso ni Pangalawang Pangulong Jejomar Binay na inapload sa Youtube noong July 7, 2015.

Ayon kay Aldon, tinatanggap lang daw ni Baloloy ang natira nyang “paid leave” kasi may mga leave credits pa siyang tinatawag na natira. Yan ang dahilan bakit di pa sya tinanggal sa “payroll” kahit nakapagbitiw na ito sa tungkulin at di na pumapasok.

Pinagpatuloy ng testigo na meron pa ring nakakatanggap ng “cash” na sahod kasi hindi pa 100% ang paglipat sa sistema ng ATM. 50-50 pa lang daw ito.

Ito ang kabuuan sa wikang Englis:




Gold Background3Makati City officer Aldon was there to answer about payroll questions but she is not from Financial Department. She said that Baloloy is still under payroll while processing her resignation while on leave – because her leave was approved and she’s entitled of leave credits. The salary must be paid during the leave because she is entitled with the paid leave.

It was asked if the salary was paid by Cash or ATM? Witness does not know cause she is not in charge of payroll and no knowledge about Baloloy’s pay slip.

Aldon strongly specified that there are no ghost employees in Makati City Hall.

Some employees are paid on cash and some through ATMs because they are still in the process of converting to ATM system – so 50% ATM and 50% cash but eventually will become 100% ATM payment soon.

Trillanes apologized to Aldon that her testimony will not be followed because they are convinced that there are ghosts employees in Makati City Hall.

Posted on

Dumaan ba sa Bidding ang Goldilocks ni Pena? – Gaya ng Binay Cake?

welcome By: Elena Grace Flores
Pinagmamalaki ng nga taga-Makati ang magandang Proyekto ng mga Binay sa pag-aalaga sa mga lolo at lola ng Makati. Ayon sa balita ng GMA na pinamagatang For Lolo’s and Lola’s, it’s more Fun in Makati, ang supply ng mga cakes na may bilang na 200 – 300 sa isang araw ay dumadaan sa proseso ng bidding. Tanong ng mga miyembro ng Camp Binay; dumaan ba sa bidding ang Goldilocks ni Kid Pena na naaayon sa adhikain ng Makati na mabibigyan ng pangkabuhayan ang nasasakupan nito? Sa maadaling sabi; suportahan ang sariling atin?

Ito ang dahilan kung bakit pinapalitan ang supplier ayon sa makakayanan na budget ng siyudad. Makikita sa video ng senado na kinokumpirma ni Board Member Chong na ang business nila ay ang pagpapatakbo ng Franchise ng Greenwich pizza (at hindi pagbibake ng cake taliwas sa akusasyon ng AMLC.


Panoorin ang Video ni Chong sa Senado:

Napapansin din na ang nakalagay sa cake na diumano cake ni Binay na kinumpara sa cake ni Pena sa TV at Social Media ay may nakasulat na “From Mayor Junjun Binay”. Alam ng mga Seniors Citizen ng Makati na ang nakasulat ay “From the People of Makati”. Ganito na ba ka bastos si Pena na manghamak ng tao para lang maka-epal?; dagdag ng Camp Binay.


See Other Highlights: Transcription Links for Binay Senate Probe: July 7, 2015:

Part 1: Senate Probe Media Favors Binay Anew – July 7, 2015

Part 2: Trillanes’s Accusations are Opposite from the Witnesses’ – Part 2 July 15, 2015 Binay Senate Probe

Posted on

Brahma o Salita ng Diyos pala ang B sa Rosaryohan ni Binay

welcome By: Elena Grace Flores
Binatikos sa Social Media ang pinakitang rosaryohan na bigay diumano ni V.P. Jejomar Binay – pero pagdedepensa ng mga taga Camp Binay na hindi iyon ang intensyon ng mga supporters ni Binay. Nagkataon lang na nasa design na ng “rosary bracelet” ang naturang letter B at dahil nagkatugma yon sa pangalang Binay, wala silang nakikitang masama dito kasi para sa kanila, ang Letter B ay hango sa sagradong lugar na Betlehem.

Sa pag ibayo ng aming pananaliksik ang Letter B pala ay hango sa salitang Brahma at hindi Binay. Ayon sa mga spiritual enthusiasts, hindi lang mga Katoliko ang gumagamit ng Letter B sa desinyo ng rosaryohan. Sabi pa nila na ang kahulugan ng Brahma ay ang pagpapanatili ng harmony o kaayusan sa mundo – hango sa paniniwala na lahat ng kaganapang nangyayari ay nagsisimula sa salita ng Diyos.


Kahulugan ng Brahma:
Brahma_Meaning
Ang tanong, bakit kinokontra ito ng mga mapanirang anti-Binay? Sila ba ang mga demonyo sa mundo? Palaisipan nga naman na tinatanong ng mga maka-Binay.

See Other Highlights: Transcription Links for Binay Senate Probe: July 7, 2015:

Part 1: Senate Probe Media Favors Binay Anew – July 7, 2015

Part 2: Trillanes’s Accusations are Opposite from the Witnesses’ – Part 2 July 15, 2015 Binay Senate Probe

Posted on

Hindi Impeachable Offense Paratang kay V.P. Binay – Kalalabas lang galing sa GMA

welcome By: Elena Grace Flores
Ipinakita ni V.P. Jejomar Binay sa GMA na ang nakafile na reklamo laban sa kanya sa Ombudsman na isa lamang “Complaint Affidavit” para mainbestigahan kung mayron bang ebidensiya ukol sa paratang na overpricing sa Makati City Hall Building II. Hindi ito “ground” for impeachment; sabi ni Binay. Malinaw na hindi nakahabla si Binay sa paratang ng mga senador sa Blue Ribbon Committee dahil wala itong maipakitang ebidensiya sa Ombudsman.

Matatandaan na ang mga paratang ng mga sendador na magnanakaw si Binay ay walang basehan. Hindi rin trabaho ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na manghusga ng isang naihabla kahit walang ebidensiya!


Panoorin ang video ukol  sa Complaint Affidavit:

Selective Justice article ng GMA News:

Ano ang mapapala ng bansa sa mga sumusunod?
1. Mga senador na sa halip na gumawa ng batas ay ang siyang lumabag at nag-udyok sa iba na labagin ang batas gaya ng Binay Senate Probe na labag sa Konstitusyon ng bayan.

2. Isang Ombudsman na humahatol na kahit walang ebidensiya at di pa tapos ang paglilitis.

Meron pa kayang pag-asa ang mamamayan sa patas na hukom? Bakit pinahihintulutan ito ng pamahalaang Aquino?

Other Highlights: Transcription Links for Binay Senate Probe: July 7, 2015:

Part 1: Senate Probe Media Favors Binay Anew – July 7, 2015

Part 2: Trillanes’s Accusations are Opposite from the Witnesses’ – Part 2 July 15, 2015 Binay Senate Probe

Posted on

Isang Paglabag sa Konstitusyon ang Pagdalo ni Binay sa Senado – ayon sa Affidavit

welcome By: Elena Grace Flores
Ayon sa file report ng GMA na ibinalita ni Jessica Soho noong Nov. 17, 2014 naisumiti na ng Pangalawang Pangulo Jejomar Binay ang kanyang mga sagot ukol sa alegasyon ng Makati City Hall Building II overpricing sa 8-pahinang Affidavit noon pang Nov. 10, 2014. Diretsang pinahayag din ni Binay na bagamat gustuhin man niyang dumalo sa paglilitis, hindi niya kayang pahintulutan na malabag ang batas ng ating konstitusyon. Dinidiin din ni Binay na ang senado ay makapaglilitis lang kung ang kaso ay para sa isang impeachment at hindi trabaho ng lehislatura na imbestigahan ang mga katiwalian ng mga opisyales ng gobyerno.

Nilinaw din ni Binay sa Affidavit na hindi ilegal ang pagpaggawa ng Makati City Hall building II dahil:
1. ito ay may bidding, natupad ang minimum at maximum na panahong para sa proyekto at dumaan sa tamang proseso ng procurement.


2. wala ring natanggap na memo o kahit notice man lang galing sa Commission on Audit (COA) na sumobra ito sa allowance na binibigay sa buong ilang taon na ito’y ginagawa.

Panoorin ang video ukol sa mga sagot ni V.P. Binay:

Malinaw na sa unang kabanata pa lang ng alegasyon ay inabisuhan na ng Pangalawang Pangulo ang senado na hindi niya lalabagin ang konstitusyon sa pamamagitan ng pagsipot niya sa paglilitis. Kaya ang nakakapagtaka ay kung bakit nagrereklamo ang mga senador na hindi ito sumisipot sa bawat sesyon ng senado ukol dito – gayong alam na nila sa simula pa lamang na hindi lalabagin ni Binay ang batas?

Other Higlights: Transcription Links for Binay Senate Probe: July 7, 2015:

Part 1: Senate Probe Media Favors Binay Anew – July 7, 2015

Part 2: Trillanes’s Accusations are Opposite from the Witnesses’ – Part 2 July 15, 2015 Binay Senate Probe