Posted on Leave a comment

Binay Branding: Political Dynasty can only Happen with Good Track Record


welcome By: Elena Grace Flores
Political Dynasty is a tradition in the Philippines just like in the United States of America. Voters are normally inclined to vote for candidates with familiar surnames such as Binay – and like a good brand, the Family name with good track record often emerges as the winner! Why is this not acceptable to some politicians? Don’t they have good family reputation or no one in the family interested enough to continue the legacy of the older relative?

Read this article from GMA about “What is Wrong with Political Dynasty?” where the following insight was quoted:

By making this argument, I do not mean to discredit dynastic politicians who, through their actions, have expressed commitment to reform Philippine politics. Congressman Erin Tañada has been at the forefront of institutionalizing transparency through the Freedom of Information Bill. Senator Pia Cayetano has strengthened the system of rights through the Magna Carta for Women and the RH bill. Senator TG Guingona has been the champion of participatory modes of governance in budget reform. It is indisputable that some dynastic politicians have a good track record of advocating progressive policies but these individual achievements have done little in dismantling the structures that perpetuate political exclusion in a representative democracy. It is only when a person who has worked up the ranks in a political organization can stand an equal chance of being elected with a candidate with a political last name can we consider dynasties as fair practices in a democratic process. – See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/276345/opinion/what-is-wrong-with-political-dynasties#sthash.SK2IEkig.dpuf

This being said, the good name of Vice President Jejomar Binay coupled with his proven track record moving up to the ranks, made him the strongest contender for the Philippine Presidential election in 2016.

Image Source: Inquirer

Posted on Leave a comment

Biography of Vice President Jejomar C. Binay: Kilalanin and Bise Presidente


welcome By: Elena Grace Flores
Get to know the Philippine Vice President in this Pilipino version of his biography who won the hearts of many Filipinos due to his genuine public service provisions to his constituents and beyond – despite the media propaganda staged against him by political enemies – to ruin his chances for the 2016 Presidential election:

Si Jejomar “Jojo” C. Binay ay ang ika-labinglimang pangalawang pangulo ng Pilipinas. Naglingkod rin siya bilang alkalde ng Lungsod ng Makati. Siya rin ang tagapangulo ng United Opposition (UNO), Partido Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban), at Boy Scouts of the Philippines.

Napangasawa niya ang isang doktor, si Elenita Sombillo, na naging alkalde rin ng Makati noong 1998 hanggang 2001. Nagkaroon sila ng limang anak, sina Maria Lourdes Nancy, Mar-Len Abigail (Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Makati), Jejomar Erwin (Konsehal ng Makati), Marita Angeline, at Joanna Marie Bianca.

Supling nina Diego Medrano Binay at Lourdes Cabauatan, ipinanganak si Binay noong Nobyembre 11, 1941 sa Paco, Maynila. Nang mamatay ang kanyang mga magulang, nanirahan siya sa Makati kasama ang kanyang tiyuhin na si Ponciano Binay. Nagtrabaho siya sa murang edad bilang tagapag-alaga ng mga baboy at panabong na manok ng kanyang tiyo upang masuklian ang pagsusustento sa kanya.

Si Binay rin ang nagpaaral sa sarili sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Nakapasok siya sa Philippine Normal College Training Department, University of the Philippines Preparatory High School, at Unibersidad ng Pilipinas, kung saan nakapagtapos siya ng mga kursong Political Science at Abogasya. Matapos pumasa sa bar exams noong 1968, kumuha siya ng ilang kursong masteral sa public administration sa UP at Abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Naging propesor rin si Binay ng batas, political science, at public administration sa Philippine College of Commerce (ngayon ay Polytechnic University of the Philippines), Philippine Women’s University at St. Scholastica’s College habang nag-aaral ng masteral at nagtatrabaho.

Noong kasagsagan ng Batas Militar, naging bahagi si Binay ng Free Legal Assistant Group (FLAG) at ng August Twenty-One Movement (ATOM) na nabuo matapos mamatay si Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983. Isa rin siya sa nagtaguyod ng isang lupon ng mga abogado, ang Movement of Attorneys for Brotherhood, Integrity and Nationalism, Inc. (MABINI), kung saan kabilang rin sina Lorenzo at Wigberto Tañada, Rene Saguisag, at Joker Arroyo. Nabilanggo ang ilang mga miyembro ng organisasyong ito dahil sa diumano’y pagtulong nila sa mga political prisoners.

Buhay pulitika
Matapos ang EDSA Revolution, inatasan ni Cory Aquino si Binay na tumayong pansamantalang alkalde ng Makati, hanggang sa ganap siyang inihalal bilang alkalde noong 1988. Noong 1987 naman ay inatasan siyang maging gobernador ng Kalakhang Maynila, at di-naglaon ay naging tagapangulo ng Metro Manila Development Authority. Muli siyang nahalal bilang alkalde noong 1992 at 1995.

Bilang alkalde ng Makati, inuna niya ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga residente ng lungsod. Ang mga pampublikong paaralan sa lungsod ay ilan sa mga pinakamahuhusay sa bansa sa aspeto ng facilidad at pagtuturo. Namimigay rin siya ng mga health card–ang “yellow card”–para lamang sa mga residente ng Makati, at ang mga ito ay sumasakop sa lahat ng gastusin sa ospital. Siya rin ang unang opisyal na naglaan ng serbisyong libreng panonood ng sine sa mga malls sa Makati para sa mga matatanda (senior citizen).

Pagtakbo sa pagkapangulo
Idineklara ni Binay ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 11 Nobyembre 2008 sa ilalim ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban, kung saan nagpahayag ng suporta sa kanya si dati presidente Joseph Estrada. Gayon pa man, bumaba rin siya at nagpasyang tumakbo na lamang bilang bise-presidente kaakbay si Estrada, na siya namang tatakbo sa pagkapresidente sa darating na halalan. Sa kasalukuyan, si Binay ay nangunguna sa karera ng Bise Presidente laban sa kanyang kalaban si Mar Roxas.

Suspensyon
Noong Oktubre 2006, sinuspinde si Binay ng Department of Interior and Local Government dahil sa mga diumanong “ghost employee” sa ilalim ng kanyang pamamalakad. Ang naghain ng paratang ay ang karibal niya sa pulitiko, si Roberto Brillante. Bilang pagtutol sa kanyang pagkakasuspinde, binarikada ni Binay ang sarili niya sa loob ng munisipyo ng Makati samantalang nagbigay sa kanya ng suporta ang ilang kilalang personalidad gaya nina Corazon Aquino at Susan Roces. Nagtalaga ng restraining order ang Court of Appeals, pagkatapos ay injunction upang masiguro na hindi mapipilit ang kanyang suspensyon hangga’t hindi nalilinaw ang kaso.

Hindi nakasuhan si Binay dahil sa kakulangan ng ebidensya at isinasaad ng mga kritiko na pakana lamang ito ng gobyerno upang hindi mapuna ang sarili nitong mga kakulangan.

Source: Camp Binay